Isang potensyal na bagyo ang nagbabadyang mabuo at pumasok sa loob ng PAR sa unang linggo ng Nobyembre, base sa ipinapakita sa ngayon ng mga weather model.
Tumataas din ang posibilidad na tumama at tumawid ito sa bansa, partikular sa #Luzon at #Visayas.
Bagama’t may katagalan pa, inaabisuhan nang MAGHANDA sa potensyal na bagyong ito dahil nakikita rin itong magiging malakas at mapaminsala.
Inaasahan pa rin ang mga PAGBABAGO dito kaya manatiling mag-monitor sa mga susunod pang update hinggil dito.
Ang susunod sa listahan ng mga pangalan ng bagyo ay #TinoPH.
PWS/PSU
#WeatherForecast #PotentialTC
0 Comments