𝐁𝐄 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐘, 𝐕𝐈𝐒𝐀𝐘𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐈𝐌𝐀𝐑𝐎𝐏𝐀! 🌀⚠️
Nagbabadyang tumawid at manalasa sa #Visayas at sa bahagi ng #MIMAROPA ang isang potensyal na bagyo na tatawaging #TinoPH sa unang linggo ng Nobyembre.
Sa ngayon ay nakikitang magiging malakas na bagyo ito o TYPHOON Category at hindi rin inaalis ang posibilidad na umabot pa sa SUPER TYPHOON bago tuluyang mag-landfall sa #EasternVisayas sa Martes (Nov. 4) at inaasahang tatawirin ang kabisayaan at ilang bahagi ng #MIMAROPA hanggang sa Miyerkules (Nov. 5).
Inaabisuhan na ang mga residente partikular sa mga nabanggit na lugar na ngayon pa lamang ay paghandaan na ang inaasahang magiging epekto ng potensyal na bagyo hangga’t malayo pa ito.
Inaasahan pa rin ang mga pagbabago kaya manatiling mag-monitor ng mga susunod pang update hinggil dito.
PWS/PSU
#WeatherForecast #PotentialTC #PreTino

0 Comments