5AM | Nobyembre 3, 2025 | Linggo
BAGYONG ‘TINO’ PATULOY ANG PAGLAKAS, MALAPIT NA MAGING TYPHOON ⚠️
Ang Signal No. 4 ang pinakamataas na antas ng babala, na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa buhay at ari-arian tulad ng pagbagsak ng mga puno at poste, pagkasira ng mga bahay, at pagkatuklap ng bubong.
PINAKAHULING DATOS:
• Lokasyon (as of 3AM): 440 km East of Guiuan, Eastern Samar
• Lakas ng Hangin / Bugso: 110 kph / 130 kph
• Galaw: Pa-kanluran, timog kanluran sa bilis na 30 kph
INAASAHAN:
• Posibleng mabilis na lumakas ang bagyo at umabot sa typhoon category (tinayang lakas na 150–155 kph ayon sa PAGASA) bago maglandfall sa pagitan ng #Caraga o #EasternVisayas bandang Lunes ng gabi (Nob. 3) o Martes ng umaga (Nob. 4).
• Tatawid ito sa #Visayas at #NorthernPalawan, at posibleng nasa #WestPhilippineSea na pagsapit ng Miyerkules ng umaga o hapon.
• Magdudulot ito ng malalakas na pag-ulan at storm surge na aabot ng mahigit 3 metro sa mga lugar na direktang dadaanan ng bagyo.
• Posibleng magkaroon ng malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, at matinding pinsala sa mga rehiyon ng #Visayas, #Caraga, #Bicol, at #MIMAROPA.
PAALALA: Patuloy na magmonitor ng mga opisyal na ulat at abiso mula sa PAGASA at mga lokal na awtoridad.
🟥 I-FOLLOW ANG AMING PAGE PARA SA IBA PANG UPDATE UKOL SA BAGYO.
0 Comments