Mawawala na nga ba ang K to 12 program sa Pilipinas? Patuloy itong pinag-uusapan ng publiko dahil sa mga panukalang pagbabago sa sistema ng edukasyon at mga panawagang alisin o baguhin ang Senior High School (SHS).
Sa kasalukuyang sistema, ang K to 12 ay binubuo ng Kindergarten, anim na taon ng elementarya, apat na taon ng Junior High School, at dalawang taon ng Senior High School. Layunin nitong dagdagan ang panahon ng paghahanda ng mga estudyante bago pumasok sa kolehiyo, trabaho, o technical-vocational training.
Gayunpaman, may mga nagtatanong kung kailangan pa bang manatili ang dalawang taon ng Senior High School, lalo na kung hindi nito lubos na natutugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at pamilya.
Kaya, tuluyan na nga bang mawawala ang K to 12? Sa ngayon, mahalagang hintayin ang opisyal na pahayag at mga pinal na desisyon ng pamahalaan bago maniwala sa mga kumakalat na impormasyon online.
Ang tanong ngayon: Kung aalisin o babaguhin ang K to 12, makabubuti ba talaga ito para sa mga estudyanteng Pilipino?
Ang DEPED ay mahigpit na nagsaasabi na hindi ito totoo at fakenews ang lahat ng lumalabas. Wala pang batas na nagbubuwag sa K12 program.

0 Comments