NEW REGISTRATION PARA SA MGA SURPLUS NA SASAKYAN, SINUSPINDE NG LAND TRANSPORTATION OFFICE
Inatasan ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat ng regional offices sa Mindanao na pansamantalang itigil ang pagtanggap, pagproseso, at pag-apruba ng mga transaksyon para sa bagong rehistro ng ilang uri ng sasakyan.
Batay sa memorandum na may petsang Pebrero 19, 2026, sinuspinde ang mga transaksyon sa ilalim ng VSPL transaction codes, kabilang ang VSPL 5 (Registration of Imported Motor Vehicles), VSPL 6 (Imported Rebuilt), at VSPL 7 (Locally Rebuilt).
Dahil dito, ipinag-utos sa lahat ng Regional Directors at Assistant Regional Directors sa Mindanao na agad ipatigil ang pagtanggap at pagrehistro ng mga sasakyang sakop ng mga nabanggit na kategorya upang matiyak ang mahigpit na pagsunod sa itinakdang proseso.
Kabilang sa mga apektado ng suspensyon ang ilang uri ng surplus vehicles tulad ng 𝐒𝐮𝐳𝐮𝐤𝐢 𝐌𝐮𝐥𝐭𝐢𝐜𝐚𝐛, 𝐦𝐢𝐧𝐢𝐯𝐚𝐧, 𝐝𝐫𝐨𝐩𝐬𝐢𝐝𝐞, 𝐝𝐮𝐦𝐩 𝐭𝐫𝐮𝐜𝐤, 𝐒𝐭𝐢𝐧𝐠𝐫𝐚𝐲, 𝐖𝐚𝐠𝐨𝐧 𝐑, 𝐇𝐮𝐬𝐭𝐥𝐞𝐫, at iba pang kahalintulad na sasakyan.
Dahil dito, pinapayuhan ng ahensya ang publiko na huwag munang bumili ng mga surplus na sasakyan hangga’t wala pang original na Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) upang maiwasan ang posibleng problema sa rehistro at paggamit ng sasakyan sa kalsada.
Ayon sa LTO, mananatiling epektibo ang suspensyon hanggang sa maglabas ng panibagong abiso ang kanilang central office. Pinayuhan din ang publiko na maging maingat sa pagbili ng mga sasakyan na wala pang kumpletong dokumento.
Source: https://www.ltoncr.com/announcements/

0 Comments