𝐂𝐑𝐈𝐌𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐍𝐎𝐑 𝐃𝐄 𝐄𝐃𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐊 𝐒𝐀 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐒𝐇𝐎𝐎𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐂𝐋𝐎𝐁𝐀𝐍
𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐤 𝐚𝐲 𝟏𝟓 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚
Ang isang batang 15 na taong gulang pababa ay karaniwang exempt sa criminal liability. Subalit hindi ito nangangahulugan na wala na siyang pananagutan.
Maaari pa rin siyang isailalim sa intervention programs, psychological evaluation, counseling, at ilagay sa isang Intensive Juvenile Intervention and Support Center (IJISC) o iba pang pasilidad na itinakda ng batas para sa rehabilitasyon ng mga batang nakagawa ng mabibigat na paglabag.
𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐤 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝟏𝟓
Para naman sa mas mataas sa 15 anyos, depende kung siya ay kumilos nang may "discernment." Ang discernment ay nangangahulugang alam niya ang tama at mali at nauunawaan niya ang magiging resulta ng kanyang ginawa.
Kapag napatunayang may discernment siya, maaari siyang managot sa ilalim ng batas at sumailalim sa mga proceedings para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL).
𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐎𝐒𝐈𝐁𝐋𝐄𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐀𝐌𝐏𝐀
Batay sa mga paunang ulat na may tatlong nasawi at limang nasugatan, maaaring pumasok ang mga sumusunod na kaso:
𝑻𝒂𝒕𝒍𝒐𝒏𝒈 𝑩𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒈 𝑴𝒖𝒓𝒅𝒆𝒓: Kung mapapatunayang planado ang pag-atake at may qualifying circumstances gaya ng treachery o paggamit ng mga paraang hindi makagaganti ang mga biktima, maaaring Murder ang kaso sa bawat nasawi.
𝑴𝒖𝒍𝒕𝒊𝒑𝒍𝒆 𝑭𝒓𝒖𝒔𝒕𝒓𝒂𝒕𝒆𝒅 𝑴𝒖𝒓𝒅𝒆𝒓 𝒐 𝑨𝒕𝒕𝒆𝒎𝒑𝒕𝒆𝒅 𝑴𝒖𝒓𝒅𝒆𝒓: Para naman sa mga sugatan na nakaligtas, maaaring magkaroon ng hiwalay na kaso ng Frustrated Murder o Attempted Murder depende sa tindi ng pinsala at sa naging resulta ng medical examination.
𝐈𝐥𝐥𝐞𝐠𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐢𝐫𝐞𝐚𝐫𝐦𝐬: Kung mapapatunayang ilegal ang pagkakuha o pagdadala ng mga baril, maaaring magkaroon din ng hiwalay na usapin kaugnay sa pagmamay-ari o paggamit ng armas.

0 Comments