TIGNAN: Malapad ang sakop ng kaulapan ng binabantayang bagyo (#UwanPH) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility na kayang hagipin ang buong mainland Luzon.
Nananatiling mataas ang tsansa itong aabot ng SUPER TYPHOON category 🟣 sa mga susunod na araw, ayon sa PAGASA.
Kung sakaling magiging super bagyo, asahan ang malawakang pinsala 🟥 sa maraming lugar sa Luzon - depende kung saan dadaan ang alimpuyo (eyewall) at ang mata (eye) ng bagyo.
Ngayon pa lang ay dapat humanda na sa POSIBLENG DELUBYO ang mga probinsya sa #SouthernLuzon, kasama ang #MetroManila at #BicolRegion, #CentralLuzon at #NorthernLuzon. ⏱️🛟
Mataas pa ang uncertainty ng track nito kaya asahan pa ang mga pagbabago.
0 Comments